|
Monday, October 20, 2008 Y 4:31 AM It's a Monday Schedule :) M.A: nagdiscuss lang kami tapos konting lecture,tapos chikahan about sa nalalapit na field trip. medyo nagsound trip kaya nga lang ang cornie ng pinakikinggan namin news kasi eh. tinesting kasi namin yung "BRAND NEW CASETTE" namin galing sa best attendance nung family day. S.S: nagcheck kami ng papers, ang baba nga ng nakuha ko eh. ang hirap kasi! tsk. lagi napapagalotan ni ma'am ang mga girls kasi daw ang iingay. wala tuloy kaming bonus[sayang] back to discussion na naman kami. katamad talaga. whew! RECESS: ayun sa wakas recess na namin. kasabay ko si kirsty at cheska. kumain ako ng egg sandwich and water. grabe ang sarap. lakas nga ng trip ng mga kaklase ko na mga boys,kasi nilock yung back door yung front door lang ang bukas para mapagtripan at mapalakpakan yung mga papasok at dadaan. BIOLOGY: umalis sandali si sr.gie, may parent kasi sa baba,kaya pinuntahan muna niya sandali. 'pag balik niya para daw kaming mga "daga". haha. tapos discuss ng konti about doon sa test namin. tapos nagevaluation,grabe napaisip ako dun ah. MATH: hindi na kami nakapagretake ng test. aw. pero nagpasagot so ma'am ng konti. idadagdag niya yata yun. LUNCH: ayun sa wakas chibugan time na naman. kumain ako ng hotdog,cracklings at uminom ng tubig[ang takaw ko talaga] ayun masaya naman ako kahit papano. ICT: nagcheck kami ng paper. okay lang naman yung score ko. tapos nagsagot sa book. grabe nakakahilo. FILIPINO: absent si ma'am kaya naman nagchikahan na lang kami nila migs,rain at marielle. ang topic namin ay tungkol sa rape,sa mga places sa sta.maria, tapos bigla kaming nagchange ng topic tungkol naman sa mga multo[katakot] aaaawwwwoooo!haha! :P RECESS: yehey! lafangan na naman! woooo! haha. bili tuloy ako ng 2 tinapay,fruitella at siyempre nestea. ayun chikahan konti tapos pumanik na kami. ang saya-saya ko[ewan ko ba]nababaliw na yata ako. tapos may tinanong si jolo kaya naman natahimik na lang ako. ENGLISH: bumaba si ma'am sandali[iba daw kasi yung test paper na dala niya] kaya habang wala si ma'am chikahan na naman kami. pagbalik ni ma'am nagcheck kami ng papers. okay lang aman ang grade ko sa english[pwede na] eh walang pirma si ma'am pascual[math teacher namin] kaya pinahanap sakin ni ma'am espejo. whew! hiningal ako.[taba ko kasi eh] haha! yehey! uwian na. haha. chibugan na naman at chikahan to the max na talaga. haha! kahit may kulang sa araw ko ngaun. pwede na din pagtiyagaan ang araw na ito. :) Saturday, October 18, 2008 Y 12:07 AM hay. nakakapagod tong araw na to. pero masaya naman kasi tapos na ang exams. whew! :) October 15-rel.ed,tle,biology: ang subjects sa first day ng exam. mmp. mahirap ang bio,o sadyang hindi lang ako nag-aral ng mabuti. yung rel.ed at tle, nakakalito at medyo mahirap din. mmp. para sakin masaya naman ang araw na to. wala naman kasi akong naging problema o dahilan para maging badtrip sa araw na yon. :) October 16-filipino,pehma,math: ang subjects sa second day ng exam. mmp. okay lang naman ang test namin sa filipino,medyo nadalian naman ako sa pehma,yung math ko hindi ko siya natapos dami kasing isosolve. okay lang naman ang exam sa math. masyado lang talagang malaki ang mga numbers na dapat isolve. madami ang nahirapan sa math,pero para sakin, ayos lang naman siya [yabang]. isa din to sa mga masasayang araw ko. ewan ko ba kung bakit, bakit nga ba?[painosente effect pa] haha. wala din naman ako naging problema, hindi din naman ako nabadtrip "kasi sadyang masaya ang araw na to" kaya nga lang umulan ng malakas. ibig kayang sabihin noon madaming blessings ang dadating? mmp. [ang drama]. gaya nga ng sinabi ko umulan noon,"oo umulan noon." buti na lang nasa service na ako kaya hindi ako nabasa. binuksan namin yung likod ng service para makapasok si ate, kaya lang ayaw daw niya. kaya ayun mas lalo lumakas ang ulan,medyo bumaha na kaya nahirapan silang pumunta sa service. tapos pumunta kami ng 7/11 kasi nagugutom na kami, bumili tuloy ako ng v-cut,nestea lemon,bacon sandwich tska trolli[grabe ang takaw ko!] haha. ayun kinain ko na yung bacon sandwich ko[sarap] tapos yung half nung v-cut and my nestea[panulak] haha. pag-uwi sa bahay natulog ako,tapos kumain nanaman ako,tapos kinalikot yung new cp no ate and mommy[inggit kasi ako] haha. medyo tinamad mag-aral kaya nga lang wala naman ako magagawa kasi exam kinabukasan. gabi na ako natapos magreview kasi habang nagrereview ako nanonood ako ng t.v [pasaway] haha. sorry naman! :)) October 17- ict,ss,english: ang third day ng exam at ang last day. hindi ko nanaman natapos ang exam ko sa ict, pinag-iisipan ko pa kasi ng mabuti yung mga isasagot ko[churva] pero totoo yun [kahit hindi halata] haha. ang hirap at ang haba ng s.s namin.may konti pa ako blanko dun eh, sayang nga eh. mahaba ang test sa english,mahirap lang yung dulo. nakatulog pa nga ako habang nag-eexam eh. nakakaantok kasi eh. medyo napagod ako kakalakad kasi hinahanap namin si ate and ate tana[servicemate]. habang hinahanap namin sila sa tuwing may first yr kami nakikita ni MJ[dating servicemate and a good friend of mine] sinasabi kung gf daw ba ako ni MJ!shocks! "FRIENDS LANG KAMI NOH!" naikot namin ang buong st.paul,yung pala nasa music room lang sila. habang naghihintay sakanila, chickahan to the max kami ni MJ may tinatanong kasi siya. grabe ang tagal nila. pero wala kaming magagawa kundi ang maghintay. mmp. ayun hanggang sa dumating na sila. tapos nagkakwentuhan about sa rape,ewan ko ba kung paano kami napunta dun sa usapan na yun. ayun katakot tuloy lumabas ng bahay.hanggang sa bumaba na si jade[another servicemate] and MJ. eh nadaan kami sa by-pass[isang way para makapunta sa bahay namin] ayun sabay tanong ni ate kung talaga daw bang may multo dun. sabi ni ate tana "totoo yun" sabi ko "nakita mo na ba?" sabi niya "oo" tapos sabi namin "paano." eh kasi daw umuwi sila ng daddy niya ng gabi kasi naglaro sila ng billiards. eh siya daw yung nakatingin sa likod since malabo ang mata ng dad niya. ayun hanggang sa bumaba na kami ni ate kasi nasa bahay na kami. katakot nga eh. wala kasing tao at ang dilim pa. pero dedma na lang kami! :)) *i had 3 days of fun and excitement :) Monday, October 13, 2008 Y 4:53 AM haha! kapagod ang araw na ito pero masaya :)) haha! kapagod dahil sa pagpapapirma kasi maghahanap ka pa, halos buong building lalakarin para lang mapirmahan ang clearance. pero ayos lang,haha! enjoy naman eh :P well,birthday ni migs ngaun[kaklase ko]. haha! hindi man lang ako nakakain ng cake. mmp. pero ayos lang. baka tumaba pa ako lalo! :)) haha! mmp. ang saya din kasi sweldo ko ngaun sa paluwagan. haha! actually 2 lang kami dun. haha! okay lang kahit 2 lang kami at least dumadami ang pera :D haha! paguwi sa bahay,tinanong ko ang daddy ko kung magkano kapag kumain sa green pond. haha! take note: tinanong ko lang! pero tumayo agad siya tapos nagbihis kasi daw manlilibre ako. haha! eh wala naman ako nagawa kaya nanlibre na ako. haha! pero hindi ko inubos yung pera ko,kasi nagiipon din naman ako. haha! ayun,nabusog naman ako. haha! ang saya! :) Saturday, October 11, 2008 Y 11:48 PM Sunday na naman. Medyo kaboring tong araw na ito, wala kasing magawa at makatext. mmp. mamaya pupunta ako ng bayan kasi kukunin ko yung pinaring bind ko[para sa project ko sa science]. mmp. Namromroblema ako ngaun dahil sa clearance ko. tsk. Konti palang kasi yung pirma,eh need ko na yun bago magThursday. tsk. Sana nga lang kumpleto na ako sa requirements sa lahat ng subjects at wala na sana ako nakalimutan. Para mapirmahan na yun lahat before thursday. Para makapagtest ako. mmp. May paclearance-clearance pa kasing nalalaman. tsk. Kailangan ko pa magreview para sa exam ng thursday,pero sa wednesday na ako magrereview. Katamad eh[pasaway talaga]. haha! mmp. Sana maging masaya at maganda ang mga susunod kong days. :) Friday, October 10, 2008 Y 11:28 PM ![]() Second Row: (L-R) Marianne, Jenny, Angela Other than the side comments of my friends on my story[previous post], I asked some of them this question: What is LOVE for you? Paula, 14, said: Love is unexplainable. :D Marianne, 13, said: Love is something that can hurt you. It's hard to find but you will love it. Dahrren, 12, said: Love is like a game, sometimes you win. Sometimes you lose :) Jenny, 14, said: Love is the sweetest thing that you can feel in your whole life! =) Love hurts, yes, it's true. But true love is faithful and everlasting. ^^ Angela, 13, said: Love is when you want the best for that person. It's a true feeling and it burns you inside! :x What is love for you? :)
|
colourful Click here if you want to leave. ongoing ESCAPADES into the past %u2605October 2008 %u2605November 2008 %u2605December 2008 %u2605January 2009 %u2605February 2009 %u2605March 2009 %u2605April 2009 |