Photobucket
Thursday, November 13, 2008 Y 2:31 AM

maraming nagsabi na mas maganda kung maguumpisa kayo sa pagiging magkaibigan para mas tatagal kayo kasi mas kilala niyo ang isa't isa. may nakilala ako nung 1st year palang ako. yung girl may boyfriend siya at si boy wala siyang girlfriend at ineenjoy niya ang buhay niya bilang single,napakaharot ni boy at masiyahin. hindi ganun kaganda ang unang beses na nagkakilala sila. si boy at yung kaibigan niya ay nasa pinto at nagkakatuwaan. nilock nila ang pinto at nagkasundo silang dalawa na kung sino ang unang papasok ay aalilain nung kaibigan niya pero badtrip noon si girl at siya ang unang papasok. nagalit si girl sakanila dahil sa paglock ng pinto. sinigawan sila ni girl sabay sabing "pag-aari niyo ba ang pinto?!" natarayan si boy at ang kaibigan niya kay girl. kaya naman hindi na natuloy ang napagusapan nilang dalawa. hanggang sa nagkatabi si girl at boy. nagkakilalanlan silang dalawa ng lubos at naging magkaibigan. nanligaw ang kaibigan ni boy kay girl at nanligaw si boy sa kaibigan ni girl. kaya naman sa tuwing may sama ng loob sila sa kaibigan ng isa't isa,silang dalawa ang nag-uusap at nagsasabihan ng sama ng loob. kaya naman madalas magselos ang mga kaibigan nila sakanila. mas naging malapit sila sa isa't isa. lagi silang nagkakachat at nagkakausap. hanggang sa hiningi ng kaibigang sakristan ni boy ang y.m i.d ni girl at ang kaibigang yon ni boy ang nagsabi kay girl na matagal na palang mahal ni boy si girl. tinanong ni girl si boy kung totoo ba yun at inamin naman ni boy. hanggang sa minahal na din ni girl si boy dahil sa hindi naman ito mahirap mahalin. kasalukuyan silang dalawa ngayon,magkasabay na nilalaban ang mga problema na dumadating sakanila. nalilito man ngayon si girl sa nararamdaman niya at naiisip na hindi siya dapat mahalin ni boy, pero alam ni girl na mahal na mahal talaga niya si boy kaya lang talagang naguguluhan siya ngayon dahil sa marami siyang iniisip at umaasa siya na magiging HAPPY ENDING ang love story nila :)