Photobucket
Friday, February 20, 2009 Y 10:04 PM

February 20,2009



siguro mga past 12 ng umaga, nanaginip ako. nagpaalam daw ako sa mommy

ko na magcocomputer shop since wala kami noon sa bahay(hindi ko din alam

kung saang place yun). pumayag ang mommy ko, tapos nung nasa computer

shop na ako naglaro daw ako ng flyff with marzian and kevin. malapit ng

mag7:00 nun kaya nagout na ako. bigla ako napunta sa isang

simbahan na hindi ko din alam kung saan yun. una kong nakita ang lola

gloria ko(mommy ng daddy ko) nakangiti siya sa akin at kinamusta

niya ako. ngumiti din ako at sinabing "okay lang naman po". tapos nakita

ko si lolo benny(daddy siya ng daddy ko, para sa kaalaman niyo si lolo

benny ay patay na) nakangiti din siya sa akin, niyakap ako at sinabing

kamusta ka na. ngumiti daw ako at sinabing ayos lang naman po. maya-maya

naman si ninong jhun(tito ko pero ninong ang tawag ko kasi yun na ang

nakasanayan ko, pari siya at kapatid siya ng daddy ko)ang nakita ko may

hawak siya na santo nun.lumapit ako sakanya at nagmano. maya-maya

nagpaalam daw ulit ako na magcomputer shop since 7:00 pa naman ang misa.

hindi na ako pinayagan. nakita ko sila marzian, kevin at ang iba pang

mga sakristan na magseserve nun na tumatakbo. nagising ako, hindi ko

alam kung bakit. nagdecide ulit ako na matulog, ngayon naman ako, ang

kapatid ko, lola gloria at lolo benny ay pumunta sa isang hotel para

magpahinga. yung nakuha namin na kwarto ay madumi at makalat.

maya-maya nakakita ako ng putol na kamay. natakot ako kaya tumawag

ako sa receptionist at sinabi ang tungkol sa kwarto at sa kamay. pero

binabaan lang ako ng telepono. maya-maya nabuo daw ang putol

na kamay at naging tao. isa pala siyang lalaki, medyo may idad na, maputi na

ang kanyang mga buhok pero nun ko lamang siya nakita. sabi niya samin kung

ayaw niyo sa akin dun na lang ako sa labas. dun na naputol ang panaginip ko.

kinwento ko yun sa mga taong malapit at importante sa aking buhay. sabi ng

daddy ko para daw akong may third eye kasi nakakakita daw ako ng kung

ano-anong multo. sabi pa niya magdasal daw kasi ako bago matulog. sinabi

din niya na kapag inaya ka na sumama sa lolo mo, huwag daw akong sasama

ginawa ko ang sinabi niya at salamat naman at wala na akong napanaginipan

na kung ano-ano. pero napapaisip ako,talaga nga kaya na kinakamusta lang ako

ng lolo ko o baka naman may gusto siyang sabihin sakin. bakit kaya sa akin

pa? tsk. ayaw ko kasi ng kahit na anong katatakutan sa totoong buhay eh.


Monday, February 16, 2009 Y 5:06 AM

February 16,2009
i love this day! :)


Saturday, February 7, 2009 Y 5:02 PM

One of the problems that our country encounters is dealing about Child

Laborer. It is an effect of few jobs offered and a continuous undergraduate

students because of their lack of money. Every parent should know every right

of their child, that their child should go to school to study and prepare for their

future but a lot of child are already working at their early age for their family.

We could see them along them along the streets selling or begging. Lack of

money is the main reason why some can't go and finish studies, the reason why

they can't apply for good jobs and to earn salary from their hard work. If only

every student could graduate and finish every course they want for their future.

If only we have more jobs to be offered or more job opportunities for graduate

students. It would surely lessen the Child Laborers.


(This is my speech on our English subject)