|
Friday, February 20, 2009 Y 10:04 PM February 20,2009 siguro mga past 12 ng umaga, nanaginip ako. nagpaalam daw ako sa mommy ko na magcocomputer shop since wala kami noon sa bahay(hindi ko din alam kung saang place yun). pumayag ang mommy ko, tapos nung nasa computer shop na ako naglaro daw ako ng flyff with marzian and kevin. malapit ng mag7:00 nun kaya nagout na ako. bigla ako napunta sa isang simbahan na hindi ko din alam kung saan yun. una kong nakita ang lola gloria ko(mommy ng daddy ko) nakangiti siya sa akin at kinamusta niya ako. ngumiti din ako at sinabing "okay lang naman po". tapos nakita ko si lolo benny(daddy siya ng daddy ko, para sa kaalaman niyo si lolo benny ay patay na) nakangiti din siya sa akin, niyakap ako at sinabing kamusta ka na. ngumiti daw ako at sinabing ayos lang naman po. maya-maya naman si ninong jhun(tito ko pero ninong ang tawag ko kasi yun na ang nakasanayan ko, pari siya at kapatid siya ng daddy ko)ang nakita ko may hawak siya na santo nun.lumapit ako sakanya at nagmano. maya-maya nagpaalam daw ulit ako na magcomputer shop since 7:00 pa naman ang misa. hindi na ako pinayagan. nakita ko sila marzian, kevin at ang iba pang mga sakristan na magseserve nun na tumatakbo. nagising ako, hindi ko alam kung bakit. nagdecide ulit ako na matulog, ngayon naman ako, ang kapatid ko, lola gloria at lolo benny ay pumunta sa isang hotel para magpahinga. yung nakuha namin na kwarto ay madumi at makalat. maya-maya nakakita ako ng putol na kamay. natakot ako kaya tumawag ako sa receptionist at sinabi ang tungkol sa kwarto at sa kamay. pero binabaan lang ako ng telepono. maya-maya nabuo daw ang putol na kamay at naging tao. isa pala siyang lalaki, medyo may idad na, maputi na ang kanyang mga buhok pero nun ko lamang siya nakita. sabi niya samin kung ayaw niyo sa akin dun na lang ako sa labas. dun na naputol ang panaginip ko. kinwento ko yun sa mga taong malapit at importante sa aking buhay. sabi ng daddy ko para daw akong may third eye kasi nakakakita daw ako ng kung ano-anong multo. sabi pa niya magdasal daw kasi ako bago matulog. sinabi din niya na kapag inaya ka na sumama sa lolo mo, huwag daw akong sasama ginawa ko ang sinabi niya at salamat naman at wala na akong napanaginipan na kung ano-ano. pero napapaisip ako,talaga nga kaya na kinakamusta lang ako ng lolo ko o baka naman may gusto siyang sabihin sakin. bakit kaya sa akin pa? tsk. ayaw ko kasi ng kahit na anong katatakutan sa totoong buhay eh. |
colourful Click here if you want to leave. ongoing ESCAPADES into the past %u2605October 2008 %u2605November 2008 %u2605December 2008 %u2605January 2009 %u2605February 2009 %u2605March 2009 %u2605April 2009 |